Tag Archives: lomo love

Ba’t ako inlab sa lomography?

♥ kasi para sakin mas may dating ang hindi perpekto

♥ dahil nagiging freedom wall ako kung gusto ko 

♥ dahil naifeframe ko ang subject ko sa baduy na heart gamit lang ang karton

♥ dahil mukhang mas komplikado pa ang mag-post process gamit ang photoshop  kaysa sa photography mismo

♥ dahil mas tumitingkad ang ganda ng mga kalye sa Pilipinas gamit ang slide films

♥ kasi mas safe ilabas sa gabi ang toy camera

♥ dahil walang ibang sumosurpresa sakin kundi ang mga resulta ng paglo-lomowalk

♥ dahil natututo akong gumising ng maaga para lang sa sikat ng araw

♥ dahil naging ice breaker topic namin to ni Noel Cabangon at ng marami pang ibang stranger

♥ kasi retro

♥ dahil di bawal dalhin sa konserts ng mga paborito kong rockstars

♥ kasi ambigat ng DSLR 

♥ dahil sharpie lang ang katapat ng watermark

*I have used most of the photos here on some blog posts before. Please click on the picture to open the link in new tab. 🙂


%d bloggers like this: